Una sa Balita

PAISTARAN: “Sarah, virgin pa!”

By
0 303

Oo na nga, hindi na buntis si Sarah Geronimo! Pero, bakit ba kasi a­yaw tumigil ng tsikang ito?

Dahil ba a­yaw munang magtrabaho ni Sarah, buntis na agad-agad?

Eh, tungkol sa tsikang may sakit, itinanggi na nga niya ito. Na hindi nga malala ang sakit niya. Ayaw na nga lang niyang idetalye pa kung ano ito.

Pero, may nagsasabi, na bakit tila hirap na hirap si Sarah na sumayaw-sa­yaw ngayon? May kinalaman kaya `yon sa ‘sakit’ niya?

Anyway, tsika nga ng isang taong malapit na malapit kay Sarah…

“Panong mabubuntis, eh, virgin pa nga!”

Sey niyo?

Mga seksi at magaganda, dumagsa sa Miss Manila!

Labingtatlong magaganda at seksing dilag ang pumarada kahapon sa harap ng media, bilang mga kandidata ng Miss Manila 2016. Habang tumatagal, lalo ngang nagiging mahigpit ang laban sa pakontes na ito, na dinudumog na talaga ng mga dilag na nangangarap na maging beauty queen.

Anyway, ang mga kandidata sa Miss Manila 2016 ay sina Aya Frances Cruz, Cristtell Tolentino, Ganiel Akrsiha Krishnan, Tenth-ten Rhea Doringo, Paola Bianca Bagaforo, Angela Beatrice Cecilio, Mikaela Mendez, Mabel Verceles, Julyan Jazmine Leonida.

Justiene Ortega, Mae Kimberly de Luna, Meiji Cruz, Roselyn Evardo, Sarah Margarette Josos, Janette Roanne Sturm, Hannah Bithjah Merino, Anne Krishia Antonio, Mercegrace Raquel.

Mehwish de Castro, Chantal Roi Seraficam, Mary Rose Cajayon, Joanna Marie Rabe, Ruyeth Anne Mariano, Ruth Sabrina Linganay, Abegail Castor, Allan Coronel, Shenna Mae Zaldivar.

Kristel Guelos, Marvelyn Talha, Lhorden Joy Trimor, Mercelle Clarice Silva, Feonna May Alloso, at Ramona Yamat.

Ang grand coronation night ay gaganapin sa June 24, Araw ng Maynila, sa PICC. Mapapanood ang delayed telecast nito sa TV5.

Sina Edu Manzano at KC Concepcion ang magsisilbing hosts ng beauty pageant na ang beneficiary ay ang MARE Foundation, na pinamumunuan ng Pageant Director din na si Ms. Jackie Ejercito.

Bongga ang premyo ng mananalo, dahil tatanggap siya ng 500,000 pesos, at kontrata sa Viva.

Kuwentong pang-Nanay!

Sina Ara Mina and Manilyn Reynes ang mga katsikahan nina Marian Rivera at Boobay ngayong umaga sa Yan Ang Morning.

Kamusta na nga ba si Ara ngayong single mom na s’ya? Si Manilyn naman, ano kaya ang sekreto sa 20-years-old marriage n’ya?

Palitan ng learnings, sharing ng mga kuwentong hindi lang pang-nanay kundi pang buong pamilya ngayong araw ng Huwebes sa YAN ANG MORNING, 9:30am sa GMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More