Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Painting ni Heart umeksena sa Harper’s Bazaar US

0 173

Nakaungos na naman si Heart Evangelista sa mga Pinoy star dahil sa pamamayagpag niya sa international fashion scene. Ang painting niya ay na-feature sa sa Harper’s Bazaar US.

Ibinahagi ni Heart sa Instagram ang painting niya na inilabas ng HBUS.

“Always grateful to @harpersbazaarus for featuring this piece that i did for one of their issues. A little fun fact; When @glendabailey, the former editor-in-chief of Harper’s Bazaar, approached me for the feature, she requested for a Dior-inspired dress for my LM muse in the painting,” chika ni Heart.

Ang Harper’s Bazaar US ay isa sa pinamalaking lifestyle fashion magazine sa buong mundo, kung saan mga sikat na celebrity sa buong mundo, mga icon, mayayaman ang napi-feature dito.

Kaya naman pumapalakpak sa kanyang comment ang author ng librong Crazy Rich Asian’s, na si Kevin Kwan.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ng netizen na si @ellaaprior kay Heart dahil sa financial assistance nito sa maysakit niyang ama na naospital kamakailan.

Bagamat, yumao na ang ama ng netizen, nakatanim pa rin sa utak ang kabutihan ng puso ni Heart.

“Don’t thank me, thank HIM,” ang reply ni Heart sa netizen.

Elijah tumulong sa may sakit na fan

Hindi lang pagpapakilig sa mga fan ang pinagkakabalahan ng Gameboys team kundi ang mag-abot ng tulong sa mga masusugid nilang tagahanga na may karamdaman.

Pinangunahan ni Elijah Canlas ang panawagan ng financial help para sa kanilang fan na si @AnnoyNemous.

“Your donation matters. Me, my family, and a couple other people have been organizing this for weeks for the treatment of @AnnoyNemous. One of Gameboys’ first and most loyal fans. #FundAFan,” tweet ni Elijah.

Sa reply ng naturang fan, sinabi niyang nag-iisa lang siya sa buhay at plinano niyang pabayaan na lang ang kanyang sakit.

“I actually have no parents and siblings and it’s been 8 years na pabalik- balik ang sakit ko. I said this time baka ‘di na ako magpagamot with the current pandemic situation ang hirap. Canlas fam and GB fam gave me the reason to fight! I’m not alone this tome. Thank you GB fam,” sabi niya.

John Lapus nagbebenta ng ulam

Dumiskarte na rin si John Lapus para maitawid ang gastusin at maging abala rin sa panahong ito na aandap-andap ang trabaho ng mga artista.

Nagbebenta na rin ng mga pagkain si John online. Pinoste niya sa Instagram ang mga lutong pagkain gaya ng “sweet adobo”, “laing”, “chicharon” at iba pa.

Ang nakakaaliw sa mga nasabing ulam, may kanya-kanyang pangalan ito tulad ng “Chicharon Flores De Baboy”, “Laing Besides You”, “Sweet Adobo Espesyal”.

Kakaiba rin ang brand name ng kanyang paninda na tinawag nyang “MangUulam”, na alam naman nating hango sa “Mangkukulam”.

Mula 100 pesos pataas ang presyo ng mga ulam ni Sweet.

Kahit sa Taytay nakatira: Magulang ni Alex sa Taguig nagpaturok

Finally, nabakunahan na ang parents ni Alex Gonzaga, sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga. Pero nagtataka ang mga netizen, bakit daw sa Taguig, City nagpabakuna ang mga magulang niya, samantalang sa Taytay, Rizal sila nakatira.

Sa vlog ni Alex, ipinaliwanag niyang may residency sila sa Taguig at Mandaluyong, kaya pasok sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa bakuna sa Taguig.

“May nagsabi po sa amin, kung may residence kayo sa isang lugar pwede kayong magpalista sa lugar na yun, basta meron kayong proof of purchase sa lugar na yon,” sabi pa ni Alex.

Giit pa ni Alex, nahinto pansamantala ang bakunahan sa Taytay dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna.

Ayon pa kay Alex, nagparehistro sila sa Taytay, Taguig, Mandaluyong.

Naunang nag-text para sa slot ng bakuna ang Taguig, kaya ito ang pinuntahan nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.