Una sa Balita

Painting ni Heart ginamit sa libro

By
0 440

Masayang-masaya si Heart Evangelista-Escudero dahil muling makikita ang isa sa kanyang paintings bilang cover ng bagong libro ng wri­ter, lifestyle journalist, editor at poet na si AA Patawaran.

Sa ikatlong libro ni AA na Manila Was A Long Time Ago, featured as cover ang isa sa paintings ni Heart kunsaan kasama pa ang kanyang adopted na aspin (Asong Pinoy) na si Panda.

“Thank you once again for featuring my paintings in this wonderful book @aapatawaran,” post pa ni Heart sa kanyang Instagram Story.

Unang ginamit ni AA ang isang painting ni Heart bilang book cover ng ikalawang libro niya na Hainaku.

Heto ang post ni AA sa kanyang Instagram:

“HOT OFF THE PRESS An initial batch of my new book #manilawasalongtimeago has been printed just for this weekend’s Philippine Rea­ders and Writers Festival at the @rafflesmakatihotel. It’s a collection of 16 short stories set in 16 different cities around the world, including Manila. Cover and interior art by my partner in rhyme @iamhearte.”
“I’m going to share what I know about “Wri­ting Short Fiction,” relive some of my writing adventures, and sign some books, too.”

Ang Manila Was A Long Time Ago ay collection ng 16 short stories set in 16 different cities at unang sabak ni AA sa fiction writing.