Una sa Balita

Pahirap sa mananakay: Rehab ng LRT-2 huwag nang paabutin ng 9 buwan – Poe

0 333

Kailangang madaliin ang rehablitasyon sa Light Rail Transit (LRT) 2 at hindi dapat paabutin pa ng siyam na buwan dahil laking pahirap nito sa mga mananakay na umaasa dito, ayon kay Senadora Grace Poe.

Ginawa ng senadora ang panawagan matapos payagan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na suriin ang rectifier na sumabog ng nagdaang linggo na nagresulta sa suspensiyon ng operasyon ng LRT-2.

“What we hope to accomplish in this meeting is to give the affected commuters a glimmer of hope. As such, we would like to see less fingerpointing and more problem-solving,” sabi ng senadora.

“Of course, we can only apply the solutions if we make a proper diagnosis,” saad pa ni Poe, chair ng Senate committee on public services.

Dahil sa pagsabog, nagdesisyon ang LRTA na suspendihin ang operasyon ng istasyon ng Santolan, Katipunan, at Anonas at kailangang ayusin ang nasirang equipment sa loob ng anim hanggang siyam na buwan.

Nagkaroon ng partial operation mula Cubao hanggang Recto Stations matapos ipagpatuloy ang operasyon noong Oktubre 8.

“Since we were just allowed yesterday afternoon to open the rectifiers for actual assessment of the damage, we can only build the actual damage scenario probably in two days’ time,” sabi ni LRTA deputy for operation and engineering Paul Chua.

Sabi pa ni Chua, isusumite nila ang kanilang report sa komite tungkol sa lawak ng pinsala sa nasabing mga istasyon, kung gaano kalaki ang mga materyales na papalitan at ang timeline kung kailan maipagpapatuloy ang operasyon mula Santos hanggang Anonas.

Tututukan naman ng komite ang gagawaing rehabilitasyon sa LRT-2 at umaasa din si Poe na magkakaroon din ng plano para mapaganda ang kanilang serbisyo.

“We will keep a close watch on the LRT’s rehabilitation, and beyond this, we will expect a more comprehensive plan on how to improve service and expand capacity. Our train riders deserve better,” ayon kay Poe. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy