Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pahalik malabo sa Traslacion

0 178

Posibleng magdaos na lamang ng ‘pagtanaw’ kapalit ng tradisyunal na ‘pahalik’ sa Quirino Granstand sa kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa susunod na taon dahil na sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Fr. Douglas Badong, Quiapo Church Parochial Vicar na ang pagtanaw ang naiisip nilang alternatibo sa pahalik na taunang isinasagawa bago ang Traslacion ng Itim na Nazareno.

“Imposible rin yung pahalik, though may alternative kami na pagtanaw,” ayon kay Badong.

Ayon kay Badong,nakikipag-usap pa sila sa Simbahan ng mga ilalatag na plano sa Kapistahan ng Quiapo.

Una nang sinabi ni Badong na posibleng suspendihin ang 2021 Traslacion dahil sa COVID-19.

Magugunita na milyon-milyong deboto ng Poon Itim na Nazareno ang lumalahok sa Traslacion taun-taon na umaabot ng halos 20 oras.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.