Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagyanig naitala sa Bulkang Kanlaon

0 137

Nasa 10 lindol ang naitala sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Sabado hanggang kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin umano ang bulkan ng katamtamang usok na umabot sa 400 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide (SO2) sa average na 656 tonelada kada araw noong Oktubre 13. Ang SO2 ang nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa bulletin nito Linggo ng umaga.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan pa rin itong kalagayan at pumasok na sa period of unrest.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na pagsabog. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.