Una sa Balita

Pagwawala ni Bianca ‘di nakatulong sa kita ng Ruru-Jasmine movie

0 837

Dahil sa intriga sa pagpunta ni Bianca Umali sa premiere night ng “Cara X Jagger” at sa “eksena” na muntik daw masagasaan ng dalaga ang sinasabing real boyfriend niya na si Ruru Madrid dahil sa selos sa leading lady ng pelikula na si Jasmine Curtis Smith ay hindi naman nakatulong ‘yon para maging bongga ang opening day gross ng nasabing pelikula.

Ang baba ng kinita ng pelikula noong Wednesday.

Marami nga ang na-sad dahil maganda pa naman ang feedback sa pelikula nang mapanood ito sa premiere night.

Sana ay hindi pa ito na-pull out sa mga sinehan at abutin pa today at hanggang bukas dahil mas marami ang nagpupunta sa mga sinehan para manood tuwing weekend.

Ang kasabayan naman nito na “Nuuk” movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson ay inaasahan ding panonoorin ng mga fan ngayong weekend.

Although mas malakas ito noong opening day, hindi rin daw ganoon talaga kalakas, kaya sana nga ang mga fan ay mas sipaging manood ng “Nuuk” na kapuri-puri raw ang akting nina Aga at Alice.

Sarah G, Matteo matagal nang engaged

So, all the while ay tama ang mga tsikang noon pa engaged sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

May isang malapit sa kanila ang nag-dialogue sa akin na, “Finally, inamin na rin nila!”

Secret nga lang daw ang engagement nina Sarah at Matteo at engaged for almost a year na raw ang dalawa bago nila inamin ‘yon noong isang araw.

Anyway, marami ang masaya sa kanilang dalawa!

Ogie nagbibigay-aliw sa banyo

Happy si Ogie Alcasid sa feedback ng mga tao sa YouTube channels ng kanyang pamilya.

Nang makausap ko si Ogie, sinabing, “We have five channels. Regine Velasquez YouTube channel, Nate Alcasid YouTube channel, Leila Alcasid YouTube channel, Ogie Alcasid YouTube channel and Team Alcasid YouTube channel.

“All channels are shot, produced, edited by Playlist,” sabi niya na talaga palang may production crew pa sila na nag-aayos ng mga ‘yon, kaya ang gaganda ng videos nila.

Sa mismong channel naman ni Ogie sa YouTube ay super pinag-uusapan ang Banyo-oke segment niya na nakakaaliw.

“Banyo-oke has become popular on my channel because we sing in the banyo with no microphone and with guitar or piano only.

“We have already shot other episodes featuring other artists as my guests. “Sobrang ‘kakaaliw. I’m si thankful nga at may mga pumapayag na mag-guest,” sabi ni Ogie.

Sa ngayon, nakakaaliw ‘yung guesting ni Christian Bautista sa Banyo-oke segment ng YouTube channel ni Ogie.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Banyo-oke segment na ‘yon at type niyo rin maaliw at tunay na mag-enjoy, go to YouTube and look for Ogie Alcasid at sabi nga ng singer/songwriter ay don’t forget to subcribe, like and share!

Ako, Dondon, sobrang aliw sa YouTube channel ni Ogie na good vibes lang ang hatid, huh!

Last week nga nang magkatsikahan kami ni Regine Velasquez-Alcasid, ang Banyo-oke ang topic namin at wala lang, tawa kami nang tawa.

‘Kaaliw nga si Regine dahil kahit ang tagal na nilang nagsasama ni Ogie bilang mag-asawa, sobrang nae-enjoy pa rin niyang panoorin ang mister.

Aliw na aliw pa rin si Regine sa mga pinaggagagawa ni Ogie.

Tawa siya nang tawa sa Banyo-oke ng mister, huh!

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy