Una sa Balita

Pagwalis sa mga SMC team, balewala kay Coach Garcia

By
0 755

RUNAWAY preseason favorites ang tatlong teams ng San Miguel Corp. na San Miguel Beer, Ginebra at Magnolia.

Hindi nawala ang tatlo sa listahan ng teams to beat ng siyam pang koponan sa PBA.

Nag-gate crash sa party ang darkhorse Rain or Shine.

Isa-isang itinumba ng Elasto Painters­ ang SMC squads, dahilan kaya ang team ni coach Caloy Garcia ay nasa unahan na ng standings.

Ang tatlong ‘W’ mula sa 7-1 card ng Painters ay kinubra kontra Gin Kngs 83-80 (Jan. 26), laban sa four-time defending champion San Miguel 108-98 (Feb. 1), at huli ang Pambansang Manok 75-74.

“Siguro suwerte lang ‘yun,” sagot ni Garcia nang ipaalala na na-sweep nila ang SMC, bago sinundan ng biro: “Uminom ako ng San Miguel, kumain ako ng hotdog (Purefoods franchise), uminom din ako ng Gin. So, malaking­ tulong pala ‘yun.”

Pangalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong conferences ay winalis ng Rain or Shine ang SMC teams.

Pero sa dalawa sa huling tatlong conferences din, Ginebra ang sumipa sa E-Painters sa playoffs.

Naalpasan ng RoS ang tatlong heavyweights, nakasiguro na sa quarterfinals. Ang hahabulin naman ay ang twice-to-beat para sa top 2 teams pagkatapos ng 11-game eliminations.

Naka-anim na laro ngayong February lang, makakapahinga ang Painters sa two-week break ng PBA bilang suporta sa kampanya ng Team Pilipinas sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa March 3 na muling sasalang ang Rain or Shine laban sa TNT sa Ynares Center sa Antipolo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy