Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagunsan abante sa finals

0 71

Sumabit sa 68-player na sumulong sa last two round finals si Juvic Pagunsan nang makasalpag ng one-over 72 sa halfway mark Biyernes ng 48th Dunlop Phoenix Tournament 2020 sa Phoenix Country Club in Miyazaki City, Miyazaki Prefecture, Japan.

Kasama ang opening 71 may 145 na ang 42-year-old Pinoy pro buhat sa Bacolod para malagak quintuple-tie sa 64th spot, 12 palo na ang layo sa bagong nangungunang local bet na si Tomohiro Izhisaka (66-133), may one-stroke lead kina Gunn Charoenkul ng Thailand at Takumi Kanaya na may identical 134 tapos ng 67 at 66.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May 82-player ang kalahok sa pang-apat sa limang torneo lang ng 48th Japan Golf Tour 2020 na pinerwisyo ng Covid-19 at kinakansela ng 18 legs.

Pangalawang torneo pa lang ito ng former Asian Tour No. 1 na si Pagunsan sa mayamang region’s circuit. Tumabla siya sa 19th place na may ¥1.464M (P673K) purse sa Mitsui Sumitomo Visa 49th Taiheiyo Masters 202o sa Gotemba City, Shizuoka Prefecture sa nakalipas lang na Linggo. (Ramil Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.