Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagudpud tinanghal na world best beach

0 87

Muling kinilala ang ganda ng Pilipinas nang tanghalin bilang isa sa mga pinakamagandang beach sa buong mundo ang Pagudpud sa Ilocos Norte.

Dahil sa malinis nitong tubig at nakaka-relax na paligid, napabilang ang Saud beach sa Pagudpud sa ’25 Most Beautiful Beaches in the World’ ng Travel + Leisure, isang travel magazine na nakabase sa New York.

“If you’re searching for Southeast Asian beach bliss, super-mellow Saud Beach on the island of Luzon is a sure thing,” ayon sa deskripsyon ng Travel + Leisure sa pamosong beach.

SM food to go Banner Ad

“Swim in the peaceful waves, lunch under a thatch-roof cabana under the palms, or hire an outrigger for excursions on the water,” dagdag ng travel mag.

Ang Saud ang natatanging beach sa bans ana napabiling sa listahan. Kasama rin dito ang mga beach sa Hawaii, Bahamas, Brazil, Greece, South Africa, at Australia.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.