Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagudpod pinaka-friendly sa mga pawikan

0 64

Tinawag na ‘friendliest beach’ para sa mga pawikan ang coastal town ng Pagudpud sa Ilocos Norte.

Ngayong taon, marami na umanong mga baby pawikan ang pinakawalan sa lugar ngayon taon, sa tulong ng mga conservation volunteer na nanguna sa pagprotekta sa mga ito sa Barangay Saud.

Kabilang na rito si Raymond Sesuca, isa sa mga volunteer ng Pagudpud Pawikan Conservation Group. Sa ulat, sinabi ng grupo na nitong Linggo ng umaga, may 13 baby pawikan ang kanilang binabantayan at mino-monitor matapos nilang i relocate ang 139 itlog sa shoreline.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinasiya ng grupo na ilipat ang mga pawikan egg, nitong nakalipas na Nobyembre at Disyembre dahil aa banta ng pagtaas ng tubug at pagkakaroon ng mga talangka at aso. Sa mga ganitong buwan din umano nagpupunta ang mga pawikan sa lugar para mangitlog dahil sa malamig na pahanon.

Nabatid na aksidenteng nakakuha ng tatlong marine sea turtle nang malambat ng mga mangingisda at ni-rescue na rin ng grupo.

Para matiyak ang proteksiyon at mapadami ang mga pawikan sa bayan ng Pagudpud, nakipag-ugnayan ang Department of Environment and Natural Resources, sa mga opisyal ng munisipalidad at barangay sa pangunguna ni Mayor Rafael Ralph Benemerito II at ang conservation group, para mapag-usapan ang mga hakbang na kanilang isasagawa. (Juliet se Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.