Una sa Balita

Pagtulong sa kapwa therapy ni Love

0 497

THERAPY para kay Cleveland Cavaliers star Kevin Love ang pagtulong sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Isa ang 31-year-old sa mga players na unang nagbigay ng ayuda, nag-donate siya ng $100,000 bilang suporta sa mga nagtatrabaho sa Rocket Mortgage FieldHouse, ang arena ng Cavs.

Nawalan ng pagkakakitaan ang mga epleyadong sumusuweldo lang kapag may event sa mga arenas na pinagtatrabahuhan nang suspendihin ang NBA season noong March 12.

“We all feel some of that anxiety and stress and the unknown,” pahayag ni Love, ayon kay Dan Woike ng Los Angeles Times. “At least that’s what really works me up and is really scary.”

Mabigat raw sa loob ang araw-araw na balita tungkol sa pandemic, mga dumadaming bilang ng biktima.

Gumagaang ang loob niya kapag nakakatulong.

“It’s a common enemy. It’s a sense of being united. Nothing unites us like a common enemy,” dagdag ni Love. “I feel, selfishly, helping, it’s a way of therapy for me.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More