Una sa Balita

Pagtulong ni Angel matik na

0 422

Nasa puso, gawa ang pagiging Darna:

Ayan na si Darna!

Sey ng mga netizen, matapos mag-tweet si Angel Locsin sa kundisyon ng mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

Eh kasi nga, kilala si Angel bilang nangunguna sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, o kahit ano pang sitwasyon.

“Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you,” tweet ni Angel.

Na siyempre pa, alam na agad ng mga netizen kung ano ang balak ni Angel, at muli nga ay taas kamay silang lahat sa pagsaludo sa kabusilakan ng puso ng aktres, na markado na nga bilang si Darna.

Pareho ngang nag-trending ang mga pangalan na Darna at Angel kahapon. Heto nga ang reaksiyon ng mga netizen:

“Shet padating na si Darna. This administration could never,” – Jastine Aquino.

“Angel Locsin and her heart. Thank you in advance,” – J.E.M.

“Here she goes again, our real life Darna” – messy.

“A great hero worthy of admiration by everyone. God bless you more” – Joyce Domingo.

“Anyone can be a social media influencer but not everyone can be as true & helpful as Angel Locsin. Parating na si darna,” – Laurencebyun.

“Ayan na c Darna. Yung naghahanap dyan kanina ng presensya ni Ms. Gel. Actually you don’t need to look for her, for Gel is doing it behind the camera with the purest intention of her heart” – Rich Vidaja-Sotto.

Naku, parang mahihirapan si Jane de Leon na angkinin ang Darna, dahil hanggang ngayon ay si Angel pa rin ang kilala, itinuturing na Darna, hindi lang sa harap ng kamera, kundi sa tunay na buhay talaga. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More