Una sa Balita

Pagtulong hindi lang tuwing halalan — Bong Go

0 277

MALUGOD na nagpapasalamat kay Senator-elect Bong Go ang mga taong natutulungan nito lalo na ang mga biktima ng sunog at iba pang kalamidad na personal nitong pinupuntahan sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Kamakailan lamang ay dinamayan at tinulungan ng bagitong senador ang mga nasunugan sa Barangay Paltok, Quezon City.

Ayon sa mga nasunugan, hindi nila akalain na pupuntahan at aayudahan sila ni Senator-elect Bong Go kahit tapos na ang halalan.

Sinabi ng kanang-kamay ng Pangulo, ang pagtulong sa kapwang nangangailangan ay hindi lamang tuwing eleksyon isinasagawa, sa halip ay sa bawat panahon at pagkakataon.

Anang senador, hindi niya maatim na panoorin na lang sa telebisyon ang mga nasunugan na umiiyak at sumisigaw ng tulong.

Inihayag ni Senator-elect Bong Go, mayor pa lamang ang Pangulong Rodrigo Duterte ay trabaho na nila sa Davao City ang personal na pagdamay at pagtulong sa mga nasunugan at iba pang biktima ng kalamidad.

Hindi tumigil kahit nasa Malacañang na at itinalagang Special Assistant to the President (SAP) at ngayon ay bagong halal na senador si Bong Go. 

Aniya, kulang ang kanyang araw kapag wala siyang natulungan na nangangailangan. Kamakailan lang ay isang batang may sakit sa atay o ‘biliary atresia’ ang ipinagamot ng bagong halal na senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy