Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagtulog ng 6 na oras, delikado sa dementia

0 61

Normal lamang na nagbabago ang memorya ng isang indibidwal habang tumatanda dahil sa pagkawala ng mga brain cell at ang mga koneksyon sa pagitan nito, pero may malaki rin umanong ambag ang pagpupuyat para lumala pa ang mental na kalusugan ng isang indibidwal.

Sa naging pag-aaral sa mga British adult na nasa edad 50 hanggang 70, nadiskubre na mas mataas sa risk ng dementia ang mga taong natutulog lang nang anim na oras o mas mababa pa, kumpara sa mga may normal n apitong oras na tulog.

Batay sa pag-aaral sa 7,959 participant na nagsabing anim na oras ang kanilang tulog, 521 dito ang na-diagnose na may dementia sa average age na 77.

Ayon sa eksperto, ang maikling pagtulog ay maaari talagang maiugnay sa panganib na pagkakaroon ng dementia, pero maaari itong makontrol at mabago.

Nabatid na ang mga taong may maagang senyales ng dementia ay nahihirapang lutasin ang mga problema at kontrolin ang kanilang mga emosyon, nakararanas ng mga pagbabago sa personalidad, mga delusyon o guni-guni, pagiging iritable, nahihirapang tumagal sa isang usapan, palaging nakakalimot o gumagamit ng maling salita o umuulit ng mga salita at istorya sa parehong usapan.

Bukod dito, ilan sa mga sanhi ng pagkawala ng memorya na karamihan naman ay walang koneksyon sa dementia ay ang stress, pagkabahala, sakit, kalungkutan at ibang medikasyon o pagod, iba pang kondisyong medikal tulad ng pagbago ng hormones, kakulangan sa sustansiya, depresyon, sakit sa atay at bato. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.