Una sa Balita

Pagtukod ng Kongreso sa 2020 budget susi sa pag-unlad ng bansa

0 338

Matapos maipasa ng Kamara ang panukalang 2020 budget, inaasahan natin na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 Ge­neral Appropriations Act sa kalagitnaan ng Disyembre kapag maagang natapos ang deli­berasyon nito sa Senado.

Sisimulan na ng Mataas na Kapulungan ngayong araw ang debate sa plenaryo ng panukalang P4.1-trillion 2020 budget makaraang maaprubahan ito noong Huwebes ng gabi sa Kamara sa 3rd and final reading.

Umaasa tayo sa pa­ngako ng mga senador na kanilang bibigyang prayoridad ang mabilis at maagang pag-apruba ng national budget.

Hiling natin sa Senado na sana’y pagsumikapang maipasa sa tamang oras ang 2020 budget para masiguro na hindi mauulit ang katakot-takot na pagkaantala ng budget tulad noong nakaraang taon kung saan ang gobyerno ay pinatakbo sa reenacted budget sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayaw nating maulit ang nangyaring budget impasse para sa kasalukuyang taon; nakita natin ang napa­kasamang epekto nito sa ekonomiya, sa mga programa at proyekto ng gobyerno, sa pagsusulong ng gobyernong makalikha ng mas maraming trabaho at sa partikular na sektor ng ating mga kababayang nakaangkla ang buhay at kabuhayan sa mga hakbang ng gobyerno.

Sa isang pinabilis na proseso, inaasahan din nating sususugan ng buong Kongreso ang pagpapalawak ng prog­rama laban sa kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng sapat na budget support sapagkat kailangan pa nating pagbutihin ang mga programa kontra gutom sa 32 probinsya na siyang bibigyang-diin at kaukukulang atensyon ng programang Enhanced Partnership Against Hunger and Po­verty (EPAHP) – na inis­yatibo ng pamahalaan para tuluyang makamit ang #GoodbyeGutom.

Sa ating pakikipagniig sa ilan nating mga kaibigan sa Kongreso, tiniyak nila na bago matapos ang Disyembre ay aprubado na ang panukalang P4.1 trillion proposed 2020 national budget kung saan siniguro ng mga ito na bibigyan din ng sapat ng pondo ang edukasyon para matiyak na maibigay ang pangangaila­ngan ng mga mag-aaral; gayundin ang mga prog­ramang pangkalusugan kung saan nangako ang gobyerno na mabibigyan ang lahat ng mga Pilipino ng free insu­rance cove­rage sa ilalim ng Universal Health Care Act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy