Una sa Balita

Pagtitinda ng gulay ‘front’ ng mag-asawang bigtime tulak

P6.8M shabu nasamsam

By
0 739

Arestado ang mag-asawa na sinasabing ‘front’ lamang ang pagtitinda ng mga gulay makaraang makumpiskahan ang mga ito ng umaabot sa 6.8 mil­yong pisong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga ope­ratiba ng PDEA sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, ang mga naaresto na sina Ernie Aquino Rodriguez, 44-an­yos, at misis nitong si Teresa Matias Concepcion, 60, residente ng No. 164 Ermin Garcia, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Nagpapanggap umanong mga vendor ng gulay ang mga suspek suba­lit nang may nakapag-tip sa PDEA na mga bigtime drug courier ang mga ito sa Luzon, agad na nagsagawa ng surveillance laban sa mag-asawa.

“Nalaman namin na hindi lang pala sa Metro Manila nagsu-suplay ng iligal na droga ang mag-asawa kundi hanggang Bicol,” ayon kay Joel Plaza, director ng PDEA-NCR.

Nang magpositibo, dakong ala-1:30 nang madaling-araw kahapon ay agad na nagkasa ng operasyon ang pinagsa­nib na operatiba ng PDEA RO-NCR, PDEA-RO5 at QCPD-PS7 sa taha­nan ng mga suspek.

Isa sa mga ahente ang nagpanggap na buyer at nang magkakapalitan na ng droga at buy-bust mone­y ay agad na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiskahan ang mag-asawa ng tinata­yang 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 mil­yong piso, gayunman, hindi pa nagsasalita ang mga ito kung sino at saan sila kumukuha ng ganoong kalaking halaga ng shabu.

Ang mag-asawang suspek ay nakapiit ngayon sa PDEA sa QC habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More