Pagtiklop sa China, binanatan ng senador

By

Umalma ang isang senador sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pipigilan ang China sa planong pagtatayo ng imprastraktura sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

“I don’t agree with him on the issue that we cannot do anything,”diin ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

“I think there’s a lot of thing that government can do. Not necessarily militarily, diplomatically, there’s a lot of thing that we can do,”giit pa ni Recto.

Reaksyon ito ng senador sa sinabi ni Pangulong Duterte nitong Linggo na “we cannot stop China from doing this thing. Hindi nga napara ng Amerikano…”.

Itinulak din ni Recto na maimbestigahan sa Senado ang tunay na plano ng China sa Scarborough Shoal, gayundin sa pagpapadala ng China ng survey ship sa Benham Rise na inamin kamakailan ni Pangulong Duterte na mayroon siyang basbas.

“I think the Senate should hear the government’s position, particularly the Senate when it comes to Benham Rise and the new plans of China putting up facilities nearby Zambales, Panatag Shoal”giit ng senador.

Muli namang itinulak ni Recto ang pagbuo ng comprehensive strategy sa pagprotekta sa Scarborough Shoal at Benham Rise dahil halos sinakop na ng China ang kabuuan ng West Philippine Sea at ngayon ay balak pang isunod ang Scarborough Shoal.

SHARE