Una sa Balita

Pagtatayo ng sports school, isinulong ni Sen Bong Go

0 144

KUNG may paaralan ang bansa para sa mga future scientist at artist tulad ng National Science High School at Philippine High School for the Arts, magkakaroon na rin ng paaralan ang bansa na huhubog sa mga batang Pinoy na maging world champion sa sports.

Isinulong ni Sen. Bong Go ang Senate Bill No. 397 na naglalayong magtatag ng training school o paaralang huhubog at mag-develop ng kakayahan, ga­ling at talento ng mga high school student sa larangan ng sports.

Ayon kay Sen. Go, chairman ng Senate Committee on Sports, nais niyang maibalik ang pagiging ‘sports powerhouse’ ng bansa sa Asya tulad noong dekada sitenta at otsenta para makapag-uwi ng mga medalya ang mga atletang Pinoy sa iba’t ibang international competition, partikular sa Olympics.

Sinabi ni Sen. Go, tatawagin ang naturang paaralan na National Academy of Sports for High School (NASHS) na itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac at may inisyal na pondo na P150 milyon na manggagaling sa National Treasury at sa General Appropriations Act (GAA).

Sa ilalim ng Senate Bill 397, kabataang may ang­king galing sa anumang larangan ng palakasan at nagpapakita ng kakaibang hilig sa sports ay kuwalipikadong makakapasok sa nasabing paaralan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy