Una sa Balita

Pagtatayo ng office space, babagal sa paghihigpit sa POGO

0 193

Inaasahan sa isang real estate advisory firm na ang pagtatayo ng mga bagong gusali ay babagal sa taong ito dahil sa ginagawang ­paghihigpit ng gobyerno sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) activities sa bansa.

Sa isang forum ng German Chamber of Commerce of the Philippines Inc., sinabi ni Santos Knight Frank Senior Director for ­Office Services and Commercial Agency ­Morgan McGilvary, apektado ang mga itatayong ­opisina at tirahan sa kasalukuyang sitwasyon ng ­industriya ng POGO.

Sinabi ni McGilvary na nakukuha ng ­mga POGO ang 10 porsiyento ng office market sa central business districts upang bumagal ang demand mula sa mga business process ­outsourcing (BPO) companies.

Sinakop din ng mga POGO ang mga ­lugar na hindi gaanong ‘sikat’ sa mga ­nangungupahan sa tradisyunal na puwesto sa opisina, tulad ng Ayala’s Circuit Makati, na malayo sa mga ­pangunahing kalsada sa Makati CBD, ayon kay McGilvary.

Related Posts

Dahil ginagamit ng mga POGO ang ­karamihan sa mga Chinese na ­nagrerenta ng mga condominium sa Metro Manila, ang ­residential market ay tatamaan din sa ­ginagawang paghihigpit ng gobyerno sa POGO.

Aniya, karamihan sa mamamayan na ­Chinese na kabilang sa POGO activities sa ­bansa ay umawi sa China noong Chinese New Year ngunit naging mahirap upang ­makabalik ng Manila dahil sa COVID-19 outbreak. Ang sitwasyong ito lamang ay nagpabagal sa ­operasyon ng POGO.

Ngunit sinabi ni McGilvary na nakolekta na ang mga landlords ng 12 hanggang 24 na ­buwan mula sa pagbabayad sa mga online gaming operator.
Ang mga nangungupahan ng BPO ay ­nagbabayad lamang ng anim na buwan na paunang bayad, dagdag pa nito. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More