Una sa Balita

Pagtalak ni Kris kay Nicko pinakalat sa social media

0 890

Ni: Athena Yap

Kumakalat na ngayon sa social media, partikular sa YouTube ang pag-uusap nina Kris Aquino at ng kanyang ex-business partner na si Nicko Falcis.

Base sa naturang recorded audio na napa­kinggan ng aming team, bungad ni Kris kay Nicko ang mga katagang “You f***ing ***hole, Nicko!” sinundan ng “No, ‘wag ka nang bumalik sa Pilipinas. Papapatay ka ng buong pamil­ya ko, you know what, you know what’s wrong with me? May Lupus ako, Nicko!” Sabay sigaw ng “Oh my God! Madam!” si Nicko nung banggitin ni Kris ang mga nasabi niya. Ayon pa sa audio, kung mapakikinggan mo, mukhang takot na takot ang tono ng boses ni Nicko.

Sunod pang sinabi ni Kris ay “Dare to step in this country, and you will be dead!” habang takot na takot na nagsasalita naman si Nicko na bukambibig ay “Madam.”

Sinabi pa ni Kris na “Nicko, you are ma­king my son lose his mother.

Anything I do not have control of this disease and I am allergic to almost all the medication na kakailanganin. Six months ago, Nicko, I was okay.

Pinalabas mong umaarte ako ‘pag nanghihina ako.” Sumagot naman si Nicko ng “Madam hindi po” na namimilipit ang boses.

“Tumigil ka!” pasigaw naman na sinabi ni Kris, ayon nga sa recorded audio umano ng pagsasagutan nila ni Nicko. Sabi pa ni Kris na “set foot in the Philippines, then you will be thrown into jail, Nicko.” Si Nicko naman ay halos hindi na makapagsalita at nauutal na.

Hindi pa riyan natapos ang mga hinaing ni Kris kay Nicko, dahil dagdag pa ni Kris na “I’m going to Singapore, ‘pag nakuha ko ‘yung diagnosis, you know me, I will tell the Philippines what is wrong with me, and the entire Philippines trusts me.”

Hanggang diyan na nga lang ang cellphone conversation na nari­nig ng aming team. Bagama’t marami ang hindi makapaniwala sa narinig nilang recorded audio umano ng dalawang panig. Inaalam pa kung saan talaga nanggaling ang naturang audio dahil kung saan-saan na nga ito naglalabasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy