Una sa Balita

Pagtaboy ng China sa mga Pinoy na mangingisda sisilipin ng AFP

By
0 608

Inatasan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-validate ang ulat ni Kalayaan Mayor Roberto del Mundo hinggil sa umano’y pangha-harass ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa Sandy Cay.

Ang Sandy Cay ay isang bagong sand-bar malapit sa Pag-Asa Island sa West Philippine Sea, na nasa tradisyunal na pinangingisdaan ng mga Pilipino, Vietnamese at iba pang nasyunalidad.

Ayon sa kalihim, batay sa inisyal na komunikasyon mula sa Western Command o WesCom, wala umanong ulat mula sa mga puwersa militar sa lugar na kukumpirma sa ulat ng alkalde.

Gayunpaman, tiniyak ng kalihim na patuloy na magbabantay ang Naval Forces West para sa anumang kaganapan na may kinalaman sa sumbong ng alkalde.

Dagdag pa ng kalihim, inienganyo pa nga ng mga tropa ng WesCom ang mga lokal na mangi­ngisda na ipagpatuloy lang ang kanilang pagha­hanapbuhay sa bisinidad ng Pag-Asa Island.

Ito’y matapos nilang mapansin na madalang nang mangisda ang mga Pilipino sa Sandy Cay, bago pa man dumating sa lugar ang mga Chinese fishing boat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More