Una sa Balita

Pagsuway sa mga COA circular, kalokohan – Alejano

By
0 513

INUPAKAN ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang diumano’y pana­wagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal na suwayin ang Commission on Audit (COA) circulars.

Iginiit ng solon na ma­laking kabalintunaan ang pahayag ng Pangulo sa kampanya laban sa katiwalian.

“Tunay bang galit sa kurap ang Pangulo o nais niya pang protektahan ang mga ito?” ani Alejano.

Ipinunto ng kongresista ang kawalan diumano ng respeto ni PDu30 sa mga institusyon ng gobyerno at proseso.

“COA is a vital agency in fighting corrupt practices in government. Nasaan na ang check and balance sa gobyerno kung pati Commission on Audit ay nais isantabi ng Pangulo? Imbes na sabihing balewalain ang COA, dapat sana ang naririnig natin sa Pangulo ay pagbutihin pa ng ahensya ang pagtupad sa mandato nito para mapanagot ang mga kurap sa gobyerno,” pagdidiin ni Alejano.

Nais aniya ng bawat isa na mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan.

Pero iginiit ng Magdalo solon na hindi dapat kalimutan ng Pangulo na may mga batas at prose­song sinusunod para maiwasan ang gulo at pagsasamantala sa gobyerno.