Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagsusuot ng eye glass nababawasan chance mahawa sa virus

0 108

Hindi lang pamporma o nakatutulong para mapalinaw ang paningin, dahil nakakadagdag pa umano ng proteksyon laban sa coronavirus disease ang pagsusuot ng salamin, ayon sa isang pag-aaral.

Sa ginawang pananaliksik sa India, natuklasan na ang pagsusuot ng salamin ay tatlong beses na nakakabawas na mahawa ng virus.

Ayon sa mga mananaliksik, ang mga taong nagsusuot ng salamin nang at least walong oras sa isang araw ay naiiwasan na hawakan ang kanilang mata, na isang paraan para mahawa ng virus.

Sinagawa ang pananaliksik sa northern district ng Kanpur Dehat, kalahok nito ang 304 pasyente na may edad 10 hanggang 80.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay pa sa ulat, lahat ng mga kalahok sa pag-aaral ay nakaranas ng mga sintomas ng coronavirus at nasa 60 sa kanila ay matagal nang nagsusuot ng salamin.

Pero giit ng mga mananaliksik, ang pagkahawa ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga mata ay bihira, pero ang mga droplet mula sa virus ay madaling nakakapasok sa mata, ilong at bibig ng isang indibidwal.

Gayunman dito sa ating bansa, pinapaalahanan na ng mga health authority ang lahat na magsuot ng face shield at face mask kung lalabas sa kani-kanilang bahay para iwas umano sa hawaan.

Tandaan lang na dapat ding linisan ang mga face shield na ating ginagamit kapag umuuwi sa bahay mula sa paglabas natin sa publiko, dito masisiguro na wala tayong naiuuwing mikrobyo na maaaring magdala ng banta sa ating kalusugan at ating pamilya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.