Una sa Balita

Pagsulong sa mental health programs, pagsulong sa San Remigio, Cebu

0 277

Napakalaking epekto ng kalusugan sa pag-unlad ng isang bayan. Ma­liban sa pisikal at kawalan ng iba’t ibang sakit ng mga mamamayan, mahalaga rin na pinagtutuunan ng pansin ang mental health lalo na sa isang bayang malaki ang hirap na pinagdaanan. 

Isa ang San Remigio sa mga bayan ng Cebu na higit na napinsala ng typhoon Yolanda noong 2013. Simula noon, patuloy ang mga rehabilitation efforts sa mga nasirang imprastraktura at unti-unting binubuo ng mga pamilya ang nasalantang kabahayan at nawalang ari-arian.

Matapos ang limang taon, patuloy pa rin ang pagpapabuti hindi lang ng mga nawasak na gusali at daan, ngunit pati na rin ng mga programang naghahanda sa komunidad sakaling may ganitong hamon na namang dumating. 

Nakatutok ang local government unit (LGU) ng San Remigio sa pagpapalawig ng kanilang mental health programs para sa kaunlaran ng kanilang bayan. 

“Its vital for the progress of the community that the people are mentally and physically healthy. So not only for physically for illnesses but especially for mental health that is very vital for the progress of the community,” kuwento ng Municipal Health Officer ng San Remigio na si ate Orleta Ursal. 

“Mayroon kaming mental facility dati, pero it was very small, pang-consultation lang. We had difficulties in treating patients because there was no holding area,” dagdag niya. 

Nitong nakaraang linggo, bumisita si VP Leni Robredo para kausapin muli ang mga residente at silipin ang kalagayan ng proyektong kasama ang Angat Buhay para sa pagsulong ng kanilang mental health program.  

Sa pamamagitan ng programa ng Office of the Vice President (OVP) ni VP Leni, kasalukuyang itinatayo ang Mental Health Facility na magsisilbing treatment center para sa mga mentally-ill patients. 

Ang pasilidad ay magkakaroon ng apat na holding rooms para sa mga pasyenteng kaila­ngang i-confine, apat na treatment o counselling rooms, isang reception area at opisina. 

“Because of this, we are able to take care of our patients,” sabi ni ate Orleta. 

“Actually kasama na rin ang mga careta­kers,” dagdag niya. “Ang sakit na ito kasi, mental health, is chronic, lifetime. Pati ang mga pamilya—the caretakers become disabled—they are not able  to work, they are not able to take care of their finances because they have to take care of their patients. But this illness can be controlled, kailangan lang namin ng tulong.”

Maliban sa Mental Health Facility, ang Angat Buhay partner na Solana Foundation ay tutulong din para sa mga equipment at kagamitan sa loob ng pasilidad. Nai­tulay din ng programa ni VP Leni ang LGU sa Philippine Mental Health Association Cebu Chapter para sa buwanang clinic visits kasama ang mga psychiatrist at mga social worker na tutulong sa mga pasyente at caretakers. 

Kung gagawin natin ito, unti-unti nating mapalalakas ang bawat miyembro ng ating kumunidad  

Sabi nga ni ate Orleta, “So all in all, this will have an impact in the community because these patients will be able to go back to work, and the caretakers also. So mas healthy ang pamilya, mas makakacontribute sa pag-usad ng komunidad, mas makakatulong sa bayan.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy