Una sa Balita

‘Pagsubok’

0 434

Halos 10 taon din akong naging humanitarian worker.­ Kung mayroong isang sa­lita na laging maririnig at nagsasalarawan sa aming­ mga kasama sa organi­sasyon, ito ay ang “resi­lience” o pagiging mata­tag sa anumang klase ng kalagayan o hindi natitinag.

Noong hinagupit ng bagyong Ondoy ang Metro Manila noong 2009, nauso pa nga ang “meme” na “The Filipino spirit is stronger than any storm.”

At makatapos ang unos na dala ng bagyong Yolanda noong 2013, nag-viral rin ang meme na “Bagyo ka lang, tao kami.”

“#We win as one” naman ang sigaw ng neti­zens sa gitna ng mga isyu o “nega” ukol sa pag-host ng Pilipinas sa SEA Games ngayong 2019.

Sikat sa anumang vide­oke party ang awi­ting “Pagsubok” (Orient Pearl) dahil sa dala nitong mensahe ukol sa pagkabigo at muling pagbangon. Nakaka-last song syndrome ito kahit napawi na ang “amats”.

Ngayong bago matapos ang taon ay nag-trending ang kantang “Binalewala” (Michael Libranda) na ang buod ay pagpaparaya sa minamahal. Masakit sa dibdib.

Kilala ang mga Pilipino na nagtataglay ng katangian ng pagiging masiyahin at positibong pananaw sa gitna ng mga pagsubok o unos sa buhay pambansa, pampamayanan o pansarili.

Isa sa ating mambabasa ang nag-text kung paano ba maging mapayapa, panatag at matatag ang kalooban kahit sa lindol, bagyo o kaguluhan at iwasan ang mag-panic o mag-worry.

Paano naman daw kung katulad na lindol, bagyo o kaguluhan sa personal na buhay ang dumating sa kanya?

Don’t worry. Be happy. “Ang problema ay dinaraanan lang, hindi tinatambayan.”

Sa dinarami ng klase­ ng pagsubok sa buhay ngayon, tinatalakay na ang “adversity quotient (AQ)” bukod pa sa “intelligence quotient (IQ)”,

“emotional quotient (EQ)” at “spiritual quotient (SQ)” na mga konsepto na masasabing kilala na ng mga Pilipino.

Ang adversity quotient (AO) ay tumutukoy sa puntos na sumusukat sa kakayahan ng isang tao na magdala ng problema, kahirapan o kapighatian. Ito ay tinatawag na ­science of resilience.

Bata pa lamang daw ay dapat ng turuan ng AO at ng apat na variables nito na kilala sa tawag na CORE.

Control – gaano kalaki ang kontrol ng isang tao sa problema?
Ownership – ano ang dahilan ng problema at sino ang mayroong hawak ng solusyon?

Reach – gaano kala­wak ang epekto ng problema sa ibang parte ng buhay?
Endurance – gaano kahaba ang itatagal ng problema?

Sa CORE variables, ang pinakaimportante ay ang kahandaan at pagi­ging bukas sa pagtanggap ng tao sa responsibilidad sa paggawa ng hakbang ukol sa problema.

Hasain ang coping skills o kakayahan na makabawi sa stress at isa­buhay ang mga paraan ng paglaban sa stress. Mag-ehersisyo at meditate. Kumain ng masustansya. Matulog nang sapat. Maging problem-solver. Iwasang ma-overwhelm o ma-frustrate o maging agresibo. Magi­ging paraan ito na ma­ging independent at competent sa paghanap ng solusyon.

Mag-training ng First Aid, Basic Life Support, Cardio-Pulmonary Resuscitation, Emergency Response at Psychologi­cal First Aid o mag-aral pa ng ibang kaalaman o kasanayan. Nagbibigay ito ng tamang pananaw na makita ang sarili na matatag at maasahan sa mga pagsubok o sakuna. Helping others adds meaning and purpose to your life, even in the face of trial or tragedy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More