Una sa Balita

Pagsisikap ng PRRC ‘good news’ sa Malacañang

0 1,840

Laking pasasalamat ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio ‘Ka Pepeton’ E. Goitia kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inilarawan na ‘magandang balita’ kamakailan ang pagsisikap ng PRRC katuwang ang Intramuros Administration (IA) at ang munisipalidad ng Noveleta, Cavite para mapabilis ang biyahe mula sa nasabing bayan hanggang sa Lungsod ng Maynila.

Sa talumpati sa inagurasyon ng Phase II ng Linear Park sa Estero de Pandacan sabay pagsasalin sa pangangasiwa nito kay Brgy. 832 Chairman Ireneo Fernandez, nagpasalamat si Goitia dahil napansin ng Malacañang ang pagsisikap ng PRRC, IA at local government unit ng Noveleta, Cavite para mapabilis at mapagaang ang balikang transportasyon mula sa Maynila hanggang Cavite.

“I wish to convey my utmost gratitude to the Honorable Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, for officially acknowledging the efforts done by the Pasig River Rehabilitation Commission, jointly with the Intramuros Administration (IA), and the Municipality of Noveleta, Cavite, in launching the Cavite-Manila Ferry Boat Service,” ani Goitia. “Starting next month, the current land travel time of two (2) hours from Manila to Cavite is expected to be reduced to only thirty-five minutes.”

Unang inihayag ni Roque ang tungkol sa Cavite-Manila Ferry Boat Service sa press briefing sa mga reporter na nakabase sa Malacañang noong nakaraang Pebrero 5.

Sa layuning makatulong para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila kaya naisipan ng PRRC na makipagtulungan sa Superferry service para bumiyahe at magsakay ng mga pasahero ang kanilang mga ferry boat mula Cavite patungong Plaza Mexico sa Maynila.

Nilagdaan kamakailan ang Memorandum of Agreement (MOA) nina Goitia; Super Ferry Service Transport, Inc. (SFTI) founder Eduardo Manuel; IA chief Atty. Guiller Asido; at Noveleta Mayor Dino Reyes Chua sa makasaysayang Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila.