Una sa Balita

Pagsirko, tambling ni Anne sa ‘Magpasikat’ ikinabahala ng mga nanay

0 695

Sukob nga sa taon ang magiging panganganak nina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Mauuna lang manganak si Solenn kay Anne.

Anyway, marami nga ang natuwa sa pagbubuntis na ito ni Anne. At hindi na mai-stress o mapi-pressure ang aktres sa tanong kung kelan siya magbubuntis dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang malaki niyang tiyan.

‘Yun lang, marami ang nag-aalala dahil nga last month lang ay nagpasirko-sirko si Anne sa ‘Magpasikat’ ng “It’s Showtime”. Natatakot sila na baka makaapekto ito sa sanggol sa sinapupunan ni Anne.

May ibang babae na hindi kinaya ang pagsasayaw ni Anne, lalo na at nalaman nilang apat na buwan na pala itong buntis nu’ng mga oras na ‘yon.

Pero siyempre, may basbas naman ng doktor ‘yon, kaya ginawa ni Anne ‘yon. Dahil kung sinabi ng doktor na bawal, hindi ‘yon gagawin ni Anne.

Rachel, Migz pakakasal na

Pakakasal na rin ang beauty queen na si Rachel Peters sa kanyang fiance’ na si Governor si Migz Villafuerte. Naka-post sa Instagram ni Rachel ang engagement ring na suot niya.

Nakayakap ito kay Migz na nakatalikod at nakabalandra sa likod ng public servant ang daliri nitong may suot na diamond ring.

“Your girls gets hitched,” sabi niya.

Tila sa Indonesia naganap ang engagement dahil sa mga naunang larawang naka-post, nasa bansang ‘yon ang magkasintahan.

Asahang tatlong celebrity couples ang ikakasal sa 2020. Ito nga ay sina Angel Locsin & Neil Arce, Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli, at Rachel & Gov. Migz.

Sey mo Marjorie?

Mommy Inday mas madalas kasama sina Gretchen, Claudine

Kung nasaan si Mommy Inday Barretto, nandu’n ang isa pa nitong anak na si JJ Barretto. Sa mga magkakapatid, tanging si JJ lang ang hindi kumikiling sinuman kina Marjorie, Claudine at Gretchen.

Bago pa naganap ang tampuhan nina Marjorie at Mommy Inday, kasama nila si JJ. Nitong huling samahan nina Mommy Inday at ng dalawa niyang anak na sina Claudine at Gretchen sa party ng isang kaibigan ng huli, hindi lang ang tatlo ang dumalo kundi pati na si JJ.

Ang ibang mga Barretto siblings ay kumapit kay Marjorie, samantalang si JJ, nanatiling nasa gitna.

Kahit nagkaroon ng away sina Gretchen at Nicole dahil kay Marjorie at Atong Ang, nanatiling neutral ang nasabing kuya ng tatlong sisters.

Samantala, patuloy ang pagpaparamdam ni Marjorie ng pagiging solid ng sarili niyang pamilya. Sa Sunday post nito, makikita sa IG niya na sama-sama sila ng kanyang mga anak na sina Dani (with hubby), Julia, Claudia, Leon, pati na ang bunso niyang anak na babae. Karga-karga ni Marjorie ang apo kay Dani.

Wala man sa larawan ang ilang mga kapatid at pamangkin ni Marjorie, gusto niyang ipangalandakan sa socmed ang pagiging buo nila.

Pero, kapansin-pansin din na mas madalas kasama ni Mommy Inday sina Greta at Claudine ngayon. Magkakasunod ang mga photo na magkakasama sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy