Una sa Balita

Pagsaludo sa Immigration

0 330

Dear Abante,
Nais kong iparating ang aking pagsaludo sa Bureau of Immigration sa ginawa nilang pagkansela sa working visa ng 528 na iligal na banyagang manggagawa. Nakuha nila ang tiwala ko sa pagsugpo ng katiwalian at panlilinlang.


Magandang balita ito para sa aming mga tapat na manggagawang Pilipino. At hindi makatwiran ang ginawa ng malalaking kompanya na sangkot dito dahil alam naman nila na ang ginawa nilang pamemeke at panloloko ay umaagaw sa mga oportunidad na dapat sana ay kami ang nakikinabang.
Masaya akong malaman na sa mga susunod pang buwan ay madami pang mahuhuling pamemeke.


Pinatunayan nito na ang gobyerno ay walang kinikilingan maging ito man ay malalaking kompanya basta sumunod lamang sa batas.


Magandang indikasyon ito na patuloy pa ang pag-unlad natin. Ang pagsunod sa batas ay mahigpit na ginagawa dito sa Pilipinas at dapat na malaman ito ng mga banyaga.


Marjane Dy
Zamboanga Sibugay

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy