Una sa Balita

Pagsabog ng Taal Volcano ‘di sinamantala ng mga tirador

0 366

NAKAPAGTALA ng zero looting incident at iba pang krimen ang Phili­ppine National Police (PNP) sa mga lugar na apektado ng pag-aalbu­ruto ng bulkang Taal simula ng ito ay pumutok noong Linggo.

Ito ang sinabi kaha­pon ni PNP Officer in Charge (OIC) Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa isang pana­yam sa Camp Crame.

“We have zero inci­dents on looting and other related criminal activities,” masayang pahayag ni Gamboa sa mga reporter kahapon.

Ikinuwento din ni Gamboa na naging masaya din si Pangulong Rodrigo Duterte na zero casualty sa naganap na kalamidad matapos ang kanilang conference kamakalawa sa Batangas.

Subalit kinakailangan­ pa din ng mga medical­ team sa mga evacuation­ center kung saan nangako ang PNP na magpapadala upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng anumang sakit sa mga evacuation center.

Sa ngayon ay kaya pa ng Police Regional Office (PRO) 4-A ang sitwasyon sa mga apek­tadong lugar kaya naka-standby lang ang dagdag puwersa ng kapulisan sa national headquarters.

“If they need us kasi kung dadagdagan pa namin ng tao doon baka mamroblema pa sila,” paliwanag ni Gamboa.

Samantala mayroon ding 278 mga pulis at pamilya ng mga ito ang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal at tutulungan ng PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng tig-P10,000 ayudang pinansyal.

“We do not expect them to go on duty take care of their families first although iba nag-duty so pag maayos na pamilya nila then that’s the time they can get back on duty,” pahayag pa ni Gamboa. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More