Una sa Balita

Pagreretiro ni Matthysse, aprubado kay Pacquiao

By
0 776

NANINIWALA si eight-division champion Manny Pacquiao na tama ang naging pasya ni Argentine fighter Lucas Matthysse na magretiro na sa pagboboksing isang buwan matapos niyang maagaw ang dating hawak nitong­ World Boxing Association­ (WBA) welterweight title.

Ilang linggo lang ang nakaraan ay inihayag ng 35-anyos na bokisingero ang kanyang desisyon na huminto at mag-retire na sa boxing bitbit ang professional record na 39-5, 36 KOs.

Sa panayam ng The Manila Times kay Pacman, sinabi nito na ayos lang ang naging pasya ni Matthysse na paghinto sa boxing dahil mala­ki naman ang nakuha nito sa huli nilang laban at dapat niya daw ipagmalaki ang kanyang boxing career.

“That’s okay. He (Matthysse) really earned a lot financially­ in his last fight. He should be proud of his boxing career and he has a good record,” saad ni Pacquiao.

Inamin din ni Pacquiao na isang karangalan sa kanya ang makalaban ang isang boksingero mula sa Argentina at tama aniya ang naging desisyon niya na bumitaw na kung yun talaga ang nararamdaman niya dahil sa huli siya pa rin ang magpapasya kung magtutuloy pa siya o hindi na. ()