Una sa Balita

Pagrato sa karamdaman ni Gobert: Foul – Fournier

0 452

NAKAKADISMAYA ang naging trato kay Rudy Gobert nang pumutok ang balitang positibo siya sa coronavirus.

Unang player sa NBA si Gobert na nag-positive, paglabas ng test result niya ay sinuspinde na ang 74th season.

Biyernes ay cleared na sa COVID-19 ang Utah Jazz center.

Nasaktan ang teammate ni Gobert sa French national team na si Evan Fournier ng Orlando Magic.

Mula sa L’Equipe via Ennio Terrasi Borghesan ng Sportando:

“It hurts me, he became the face of the virus in the NBA. The behavior of people and journalists has been disgusting,” ani Fournier.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang pangalanan ang nag-positive.

Punto ni Fournier, may positive din sa Philadelphia 76ers at Lakers pero hindi kinilala.

Pero bago pa nag-positive si Gobert, siya na ang mukha ng COVID-19 sa liga.

Ilang araw bago nakumpirmang tinamaan siya ng virus, nakita si Gobert sa video na pinaghahawakan ang microphone at audio recorders sa isang media availability. Humingi siya ng paumanhin sa ginawa.

Pinangalanan si Gobert, gayundin ang Jazz teammate niyang si Donovan Mitchell. Sumunod na nag-positive si Christian Wood ng Detroit Pistons. Umamin si Kevin Durant ng Brooklyn Nets na positive din siya.

Napadali ang pag-trace sa mga nakahalubilo ng players. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More