Una sa Balita

Pagratipika sa Bangsamoro nadamay sa pagkabiyak ng mayorya

By
0 838

IKINALUNGKOT ng Malacañang ang bigong ratipikasyon ng Bangsamoro Orga­nic Law (BOL) sa Kamara matapos biglang mag-adjourn ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ikinagulat nila ang pinakabagong deve­lopment sa Kamara lalo na at inaasahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na malalagdaan niya ang BOL bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA).

Itinuturing aniya ng Palasyo na temporary setback ito sa layunin ng gobyerno na mapatatag ang pundasyon para sa mas makatotohanan at pangmata­ga­lang kapayapaan sa Mindanao.

“We find it unfortunate that the Bangsa­moro Organic Law was not ratified before the adjournment of today’s session of the House of Representatives. We consider this as a temporary setback in the administration’s goal of laying the foundation for a more genuine and lasting peace in Min­danao,” ani Roque.

Pero sa kabila nito, sinabi ng kalihim na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Pangulong Duterte na mapipirma­han ang batas sa sanda­ling pinal na ang ratipikasyon ng BOL.

“We, however, remain confident that President Rodrigo Roa Duterte will sign the Bangsamoro Organic Law as soon as both houses of Congress finally ratify the bill,” dagdag pa ni Roque.