Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagrampa sa Santacruzan ngayong Mayo ubra na

0 64

Payag na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling magdaos ng tradisyonal na ‘Flores de Mayo’ o Santacruzan sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, puwede na uli rumampa ang mga dalaga kasama ng kanilang mga konsorte basta titiyakin lang ng mga organizer na masusunod ang ipinatutupad na health protocols partikular ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Dapat din aniyang makipag-ugnayan ang organizer sa mga opisyal ng barangay para matiyak na hindi makakasagabal sa daloy ng trapiko ang parada ng mga sagala.

Isinagawa ang unang Santacruzan sa bansa sa Malolos, Bulacan bilang pagkilala kay St. Helena, ang Inang Reyna ni Emperor Constantine na nagtungo sa Holy Land para hanapin ang tunay na Krus at ang ‘Holy Sepulcher’ o lugar kung saan ipinako sa Hesukristo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.