Una sa Balita

Pagputok ng bulkan pinatigil ni Quiboloy

0 761

Ipinatigil ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ ang pagputok ng Bulkang Taal.

Laman ito ng kanyang panalangin noong Enero 13, isang araw matapos ang biglaang pagputok ng bulkan.

Hindi napansin ng mga kritiko ang kanyang panalangin sa live broadcast ng kanyang programang ‘Ito ang Buhay’ noong Enero 13.
Sa naturang episode, pinaalalahanan din niya ang lahat na pagsisihan ang mga kasalanan.

“Ito po ay paalala para tayo ay mangagsisi, lumapit sa kanya, at muling kundin ang kanyang mga sinabi,” ani Quiboloy.

“Iyan po ang tunay na pagsisising makakapagpalambot sa puso ng ating dakilang Ama upang ang mga pockets of judgment na ito ay hindi na magpapatuloy o maaaring hindi na maganap.”

Binanggit ni Quiboloy na bagaman maraming kumukutya sa kanyang pananalita, wala naman siyang tinatanim na sama ng loob bagkus ay ipinapanalangin pa niya ang mga ito.

“Ini-invoke ko po ang kapangyarihan ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng kanyang hinirang na anak na maging sapat ang sakunang ito na nangyayari sa mga kababa­yan natin. Sana’y mamulat na silang lahat sa katotohanan na hindi lamang dapat tawagin siya sa panahon ng mga sakuna kundi sa lahat ng panahon ng ating buhay.” saad ng pastor.

“STOP! Hinihiling ko po sa pamamagitan ng Dakilang Ama na i-i-stop o pahintuin na ang pagputok ng bulkang ito upang hindi na siya makapanalasa at makapanira pa,” wika ni Quiboloy sa nasabing programa.

Ang naturang episode ay mapapanood sa Facebook account ni Quiboloy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More