Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagpili ng damit, may say sa katangian ng tao

0 106

Ngayong bagong taon, marami sa atin ang bet nang mag-transform o mag-makeover para new look tayo sa pagharap sa mga susunod na hamon, pero bago magdesisyon kung anong pormahan ang bagay sa atin, may sinasabi ang siyensya para matukoy ang katangian ng isang indibidwal base sa kanyang pagpili ng damit.

Sa isang panayam, pinaliwanag ng clinical psychologist na si Dr. Jennifer Baumgartner ang katangian ng indibidwal batay sa paraan niya ng pananamit.

Halimbawa aniya, kung hindi tayo mahilig magbawas ng damit sa closet maaaring mangahulugan ito na lagi tayong nakakapit sa past sa pamamagitan ng sentimental value sa ating mga damit. Payo niya, itapon o ipamigay na ang 2 sa 3 item na meron ka, kabilang ang masyadong lumang style.

Dagdag pa dito, kung nagsusuot lang umano tayo ng mga neutral style o color at umiiwas sa mga accessory, maaaring mangahuugan na masyado tayong komportable, takot sa mga pagbabago o ayaw na makakuha ng atensyon sa iba.

Sinasabi rin niya na kung mahilig ang isang indibidwal sa mga designer cloth, maaaring pinapahayag niya na kailangan isyang tratuhin nang maayos dahil sa kanyang yaman. At kung gusto naman ng isang tao na magsuot ng ‘mom outfit’ ay pwedeng mangahulugan na inuuna nito ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili.

Pinaliwanag niya pa, kung paano nagagamit ang pananamit bilang social indicator o katayuan sa buhay. Nakatutulong umano ang pananamit para malaman kung anong kalagayan ang nais nating maabot sa sarili.

Dagdag niya pa, walang fashion style na makapagsasabi kung paano magmumukhang matagumpay ang isang tao. Sa halip nirekomenda ni Baumgartner na kung nais na ma-achieve ang positive image, maaaring magsuot ng mga classic look tulad ng black dress, blazer at high heels.

Giniit rin ng eksperto, na walang style ang magsasabing hindi matagumpay ang isang tao, pero ang pinakamalalang desisyon sa pananamit ay ang mga sumusubok na itago ang kanilang pagkatao o mga nakakahadlang sa trabaho.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.