Una sa Balita

Pagpatay sa lider ng magsasaka kinondena

By
0 1

Kinondena ng pamu­nuan ng mga lider ng Ca­tholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP)-National Secretariat for Social Action-Justice and Peace (NASSA) o Caritas Philippines at ng Diocese of Kidapawan ang brutal na pagpatay sa isang lider ng grupo ng mga magsasaka at coordinator nila sa agrarian reform sa North Cotabato.

Pinagbabaril at pinagsasaksak umano hanggang sa mapatay ang biktimang si Wilerme Dorado Agor­de, na mas kilala sa tawag na ‘Tatay Wiling,’ 64, ng ‘di kila­lang suspek noong Pebrero 19, 2017, sa harapan mismo ng kanyang mga apo, sa Brgy. Ilustre, President Roxas, North Cotabato.

Ang biktima rin umano ang ikatlong farmer-leader na pinaslang sa naturang lugar, sa loob lamang ng buwang ito.