Pagpatay ng NPA sa 2 katutubo sa Surigao del Sur kinondena

0 478

Kinondena ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa Surigao del Sur na ikinamatay ng dalawang miyembro ng Manobo tribe.

Ginawa ang pag-atake ilang araw matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at National Democratic Front.

“President Duterte ordered a suspension of military operations hoping the rebel group would consider his appeal and reciprocate. However, the Reds have clearly ignored his request and instead took the lives of innocent people,” ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez, Jr.

Pinatay umano ng mga miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 1 ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA sina Datu Bernardino Austidillo, 73, at Zaldy Ibanez, 52, sa harap mismo ng kanilang pamilya.

Si Austidillo ay lider ng tribo habang si Ibanez ay dating rebelde na sumuko noon lamang Nobyembre 2019.

“We hope the CPP-NPA would set aside our differences for the meantime because we are fighting an unseen enemy which does not choose its victims. Continued attacks against our law enforcers and civilians will only worsen the situation,” saad ni Galvez(Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...