Una sa Balita

Pagpatay kay ex-La Union Rep. Eriguel, ‘politically motivated’

By
0 1,319

Ito ang sinabi ng maybahay ni dating La Union 2nd District Rep. Eufranio ‘Franny’ Eriguel na pinaslang noong May 12 sa isang pagpupulong ng mga opisyal ng barangay sa Barangay Capas, Agoo, La Union kamakailan.

“Congressman Franny’s­ murder is politically motivated. There is no other angle but politics,” ani incumbent La Union 2nd District Rep. Sangra Young Eriguel.

Aniya, tinanggalan ng security ang kanyang asawa isang araw bago mangyari ang insidente.

Tatlong bodyguard nito ang namatay at walong iba pa ang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek gamit ang automatic rifle na M-16 at M-14.

Sa autopsy report ng Philippine National Police (PNP), nagtamo ang dating congressman ng walong tama ng baril sa ulo, dibdib, braso at paa.

Samantala, sa pa­nayam ng Abante kay Police Regional Office 1 (PRO1) director Chief Supt. Romula Sapitula, aminado ito na tinanggalan ng security ang mga Eriguel dahil utos umano ng Philippine National Police (PNP) command pero wala umano itong kinalaman sa pagpaslang kay Franny.­