Una sa Balita

Pagpasa ng buwis ng Maynilad sa mga consumer, ligal – CA

By
0 424

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang desisyon Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) na payagan ang Maynilad Water Services, Inc. na makapagtaas ng singil sa tubig sa kanilang mga consumer.

Sa 12 pahinang reso­lusyon na may petsang Mayo 30, isinulat ni Associate Justice Jane Aurora Lantion at pinagtibay nina Associate Justices Remedios Salazar-Fernando at Zenaida Galapate-Laguilles, ibinasura ng 2nd Division ng CA ang petition for review na isinampa ng Metropo­litan Waterworks and Se­werage System (MWSS) na kumukuwestiyon sa desisyon ng Mababang Hukuman noong Agosto 30, 2017 na pumapabor sa Maynilad.

Ayon sa CA, napatunayan na hindi nagkamali ang QC-RTC sa kanilang desisyon na pagsang-ayon sa ­Arbitral Award.
Una nang pinayagan ng RTC ang petisyon ng Maynilad na kilalanin ng MWSS ang apela ng panel noong Disyembre, 2014 kung saan pinapayagan ang Maynilad na isama sa kanilang corporate income tax sa bayarin ng mga consumer, dahilan para ang presyong P30.28 per cubic meter ay maging P34.34. Ang arbitration case ay isinampa ng Maynilad.

Abante Hiring – IT dep

Sa argumento ng MWSS, iginiit nito na dapat bakantehin ang Arbitral Award dahil hindi ito alinsunod sa “public policy” at hindi dapat payagan ang Maynilad na makasama ang kanilang corporate income tax sa papa­sanin ng kanilang mga consumer.

Ang final award ay inisyu noong Disyembre 29, 2014 at pinagtibay ng RTC noong Agosto, 2017.

Sa final award, kinatigan rin ng RTC ang alternative Reba­sing adjustment para sa Fourth Rate Rebasing Period na 13.41 percent, na kumakatawan sa average basic water charge na P30.28 per cubic meter na nagreresulta sa adjusted rate na P34.34 per cubic meter para sa kada “charging year” ng naturang rebasing period.

Inatasan rin ng CA ang MWSS na ibalik sa Maynilad ang P540,502.81 at HKD179.73, na kuma­katawan sa bahagi ng MWSS sa halaga ng arbitration na nai-advance ng Maynilad.