Una sa Balita

Pagpapawalang-bisa ng kasal

0 409

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po Atty…tatanong q lang po ‘yong sa nullity of marriage tungkol grounds about solemnizing officer. Kasal po kami sa mayor at ngayon ay hiwalay na.

Mahigit pitong taon na po kaming kasal. Nong kinasal po kami, wala po yung mayor, nagpirmahan lang po kami at walang seremonyas na nangyari.

Pagkapirma ay uwian na. Puwede po ba pang mag-file ng nullity of marriage base sa sitwasyong ito?

Salamat po at more power.
Cris

Cris

Kung pitong taon na kayong kasal ay luma­labas na sakop kayo ng Family Code of the Philippines at ng Local Government Code of 1991 kaya’t ang mayor ay may kapangyarihan ng mag-solemnize ng marriage. Noong panahon na ang umiiral ay ang New Civil Code ay mayroon nang kapangyarihan ang mayor na magkasal ngunit ito ay binawi noong pinatupad ang Family Code noong August 1988. Ngunit nang ipasa at ipatupad ang Local Government Code ay muling naibalik and kapangyarihan ng mayor na magkasal.

Sa sitwasyon ninyo, kung hindi ang Mayor ang nagkasal sa inyo at walang seremonyas ng kasal na naganap ay ground ito para maipawalang-bisa mo ang kasal ninyo ngunit dapat mong mapatunayan ito. Kung ang nakapirma kasi sa Marriage Certificate ay ang mayor ay mahihirapan kang patunayan na hindi nga siya ang nagkasal sa inyo mali­ban lang kung may pruweba ka na nasa ibang bansa siya na imposible para kay mayor na mag-solemnize ng marriage ninyo.

Tandaan mo rin na ang kasal ay masasabing valid kahit walang kapangyarihan ang nagkasal o nagsolemnize ng marriage kung pareho o ang isa na ikakasal ay naniniwalang may kapangyarihan at authority na magkasal ang nag-solemnize ng marriage. Ayon sa Art. 35 mg Family Code of the Philippines:
Art. 35. The following marriages shall be void from the beginning:
(1) xxxx

(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contrac­ted with either or both parties believing in good faith that the solemni­zing officer had the legal authority to do so;

Kung pareho kayo na alam na hindi mayor ang nagkasal at ang taong humarap sa inyo ay walang kapangyarihan na magkasal ay maituturing na hindi valid ang kasal ninyo. Patunayan lamang ng maayos sa korte ang ebidensiya lalo na tungkol sa walang seremonyas dahil sa nananaig sa atin ang presumption of regularity in the performance of official functions kaysa sa isang testimonya na walang patunay.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang ss 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com
Please subscribe to Atty. Claire Castro youtube channel and learn more about laws and jurisprudence.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More