Una sa Balita

Pagpapauwi ng mga OFW sa Kuwait, ‘di sapilitan — Palasyo

By
0 1,497

NILINAW ng Malacañang na hindi sapilitan ang pagpapauwi sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Kuwait sa harap ng kinakaharap na diploma­tic issue sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na para ito sa mga Pilipinong gustong umuwi na sa bansa, at nangakong pauuwiin lahat ang mga ito.

Ayaw na aniya ng Pa­ngulo na madagdagan ang mga sinasaktang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

“Eh, talaga naman pong boluntaryong sinabi ng Presidente, iyong mga gustong umuwi, umuwi na, kung pupuwede umu­wi na nang mabawasan iyong ating…iyong dan­yos ba na meron na namang Pilipino na masasaktan sa Kuwait,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na maghahanap ang Pangulo­ ng trabaho para sa mga uuwing OFW dahil sa kalaunan ay manganga­ilangan ang gobyerno ng mga manggagawa kapag nagsimula na ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program.

“Sabi nga ng ating Presidente, lahat ng gusto nang umuwi, umuwi na sila at ine-engganyo na niya na umuwi. Dahil totoo naman, nagkukulang na tayo ng tao dito sa Build, Build, Build. Tala­gang baka nga tayo pa ang kumuha ng mga dayuhang mga mangga­gawa para dito sa Build, Build, Build kung hindi umuwi iyong ating mga kababa­yan lalong-lalo na iyong mga skilled workers na construction workers ga­ling sa Gitnang Sila­ngan,” dagdag pa ni Roque.

Nauna rito tumatanggi ang mga OFW sa Ku­wait na maayos ang tra­baho na tumugon sa pa­nawagan ng Pangulo dahil wala naman umano silang dadatnang maayos na trabaho pagbalik sa Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy