Una sa Balita

Pagpapaseksi ni Lorin aprub kay Ruffa

0 516

Kagabi bumalik ng Manila ang mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice Gutierrez mula sa bakasyon nila sa Coron, Palawan.

Half-term break nina Lorin at Venice sa school, kaya isinama sila ni Ruffa na mag-beach dahil pare-parehong mahilig sa ganoong lugar ang mag-iina.

At 16, sobrang sexy na ni Lorin, kaya naman pinag-uusapan ang pictures nila roon.

Si Lorin, sobrang sexy sa two-piece na suot niya sa isang picture na pinost na ang caption ay “mismatched” dahil ang pang-itaas ay blue at ang bikini naman ay black.

Sobrang pinag-usapan nga sa social media ang kaseksihan ni Lorin at marami ang pumuri sa kanyang kagandahan, lalo na sa kanyang katawan.

Ang ilang mga nakakausap ko ay nagsabing 16 pa lang si Lorin ay ganoon na ka-sexy, what more kapag 18 na siya at dalaga na talaga?!

Ang bongga!

So, ano ang masasabi ni Ruffa sa pagsusuot ng kanyang panganay ng two-piece?

“We are at Two Seasons (Coron, Palawan) and at the beach, so, wearing a swimsuit is perfectly fine!” reaction ni Ruffa.

Parang emotional nga si Ruffa dahil nagdadalaga na ang mga anak niya, kaya nasabi niya sa akin na, “Thank you for loving Lorin and Venice. They grew up before your very eyes being my daughters, so, thank you for being a part of our journey as a small cute family.”

Biniro ko nga pala si Ruffa na kahit nagdadalaga na ang mga anak niya ay may pa-“cleavage” rin naman siya kahapon sa isang picture niya sa beach.

“Hahaha!” ang tanging reaction ni Ruffa na panay na ang diet at exercise dahil pinaghahandaan niya ang pagsisimula niya ng taping para sa “Love Thy Woman” ng ABS-CBN.

Bago natapos ang tsikahan namin, tinease ko si Ruffa na mas bongga ang reaction ng nanay niyang si Annabelle Rama sa sexy picture ng panganay na apo.

“Talbog ka sa dialogue ng nanay mo!” sabi ko.

“Ano? I’m sure, sinabi niya na sa kanya nagmana si Lorin!” hula ni Ruffa.

Well, abangan na lang ang dialogue ni Bisaya tungkol sa kaseksihan ni Lorin, ‘noh?! (Jun Lalin)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy