Una sa Balita

Pagpapaseksi ni Heart super bet ni Chiz

By
0 1,442
 
 

Pasabog din ang picture ni Heart Evangelista in her one-piece swimsuit na tangga ang cut. Whew! Talaga namang kahit may asawa na siya, eh, kasing hot pa rin siya ng siling labuyo lalo na’t hanggang bewang nga ata yung cut ng kanyang swimwear na nakakasilaw din ang kanyang kutis porcelana, huh!
 
Hindi lamang boys ang humanga sa kaseksihang paminsan-minsan lang niyang ibalandra kundi pati mga kalahi niya ay hindi maiwasan ang magkomento na kinaiingitan ang kanyang pagiging isang Diyosa ng Kagandahan.
 
Kahit napapa-revealing ng kanyang attire, oozing with class na rin naman si Heart.
 
Sobrang may ibubuga pa nga raw, sabi ng netizens.
 
Pero, ayon kay Heart, hindi niya kagustuhan ang mag-pose nang ganito, at talagang nagawa lamang niya dahil sa request ng kanyang asawang si Chiz Escudero.
 
Yes, ang kanyang mister ay promotor nito na hindi naman niya matanggihan dahil baka nga magtampo ang kanyang asawa.
 
Mismong si Chiz pa nga raw ang kumuha nito na hindi na niya nabanggit kung ilang anggulo pa ang kinukunan sa kanya. Baka nga naman yung iba ay for private purpose na, huh!
 
Well, hindi naman siya napahiya dahil marami ang napa-wow niya sa litratong yun na para bang ang drama niya ay “Flaunt it when you have it.”
 
Korekek! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy