Una sa Balita

Pagpapaseksi ni Barbie suportado ni Jak

By
0 1,866

Wala raw karapatan si Barbie Forteza na i-request sa GMA management na ang boyfriend na si Jak Roberto ang makapareha sa coming series niyang Inday Will Always Love You sa halip na si Derrick Monasterio.

“Powerful? Hindi. In the first place, wala akong karapatan na pangunahan ang management. He is doing good in Contessa right now. Mataas ang ratings nila. I’ve been watching. Ang galing. Ang laki ng improvement ni Jak,” pahayag ni Barbie sa nakaraang mediacon ng series.

Hindi ba siya binawalang mag-two-piece bikini sa series na ginawa niya noon sa Instagram fotos niya?

“Hindi. Ako ang nagbawal dahil hindi ako ready! Ha! Ha! Ha! Ang daming lechon eh. Nauna ang lechon bago ang two-piece. Hindi. Walang bawal sa kanya. Supportive naman siya pagdating sa ganoon. Gusto niya lagi akong naka-shorts kasi summer!” rason ng Primetime Princess ng GMA.