Una sa Balita

Pagpaparetiro sa lumang sasakyan, solusyon sa trapik

By
0 291

Panahon na upang ipatupad ng gobyerno ang tunay na solusyon sa malubhang problema sa trapiko sa buong Metro Manila.

At ito ay ang pagbabawas sa bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa buong Metro ­Manila pribado man o ­pampubliko.

Mali ang naisip na solusyon ng MMDA at mga metro mayor na tanging ang kahabaan ng EDSA ang kaila­ngang paluwagin sa trapiko kaya naisipan ng MMDA na solusyunan ito na pagbawalan ang mga motorista na nag-iisa ang sakay sa kotse.

Pero papaano naman ang mga moto­rista sa labas ng EDSA na hahayaan na lang bang mag labo-labo at magtiis sa problema sa trapiko? Dehado naman ang mga hindi dumadaan ng EDSA at mga tax payer na pinagbabawalan dumaan dahil nag-iisa lang.

Related Posts

Batay sa pinakahu­ling balita, isususpende muna ng MMDA Ang High Occupancy Vehicle (HOV) lane habang hindi pa nagdadaos ng pagpupulong ang Metro Manila council upang pinal na desisyunan ang implementasyon ng traffic scheme.

Ang HOV policy ay maituturing na band aid solution lang at hindi lulutas sa problema sa trapiko sa buong Metro Manila .

Ang pangkalaha­tang solusyon na pakikinabangan ng lahat ay ang pagbabawal sa mga lumang sasakyan mula sa mga pribado, taxi, truck at bus, maging ang mga sasakyan ng gobyerno.

Bukod dito ay linisin ang lahat ng kalsada sa mga iligal na nakaparada na inaring kanila na.

Tiyak na malulutas ang problema sa trapiko hindi lang sa EDSA kundi sa buong Metro Manila.