Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagpapanatili sa bahay ng mga ‘di bakunado, ligal ba o iligal?

0 130

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa dulot ng Omicron variant.

sinisikap ng gobyerno na magpatupad ng mga ina-akala nilang nararapat na hakbang upang mapabagal kundi man lubusang mapahinto ang pag-sirit ng Covid case mga Kabalitaktakan.

Nauna nang nagkasundo ang mga Metro Mayor at Inter-Agency Task Force o IATF na muling isa-ilalim sa Alert Level 3 ang buong Kamaynilaan at mga kalapit na lalawigan.

Pinag-aaralan din ng Department of Health o DoH ang posibilidad na itaas pa sa Alert Level 4 ang Nat’l Capital Region o NCR kung magpapatuloy ang pagkalat ng Omicron variant…

pero mukhang hindi pa ito kailangan kung ang Metro Mayors ang tatanungin mga Kabalitaktakan.

Bagamat walang pagtutol…iginiit naman ng ilang “health expert” na mas dapat ngayong pa-igtingin ng pamahalaan ang mass testing, contact-tracing at pagbabakuna sa mamamayan.

Mungkahi rin ng mga naturang eksperto na mas higpitan ng gobyerno ang “border control” at mas mahabang quarantine sa mga pumapasok ng Pilipinas mula sa ibayong-dagat mga Kabalitaktakan.

At dahil lumitaw sa datos ng DoH at mga ospital na hindi bakunado ang karamihan sa mga tinatamaan ng Omicron variant.

ipinag-utos ng Malakanyang na pigilang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga di-bakunadong mamamayan, maliban na lamang kung “essential” ang dahilan ng kanilang pag-alis ng bahay.

Nagpasa na rin ng ordinansa ang ilang lokal na pamahalaan na sumusuporta sa kautusan na pagbawalang lumabas ng bahay ang mga di-bakunadong indibidwal…kundi rin lang “essential” ang kanilang dahilan mga Kabalitaktakan.

Para sa health advocate na si Dr Tony Leachon, pabor sya na limitahan ang galaw ng mga di-bakunadong mamamayan dahil makakatulong ito para mapabagal ang pagkalat ng Omicron.

Subalit, giit ni Dr Leachon mga Kabalitaktakan…dapat mismong ang LGU na ang magbahay-bahay para bakunahan ang mga di pa bakunado at mabawasan din ang mga magtutungo sa vaccination sites.

Pero kung ang CHR o Commission on Human Rights ang tatanungin mga Kabalitaktakan…LABAG sa konstitusyon at sa karapatang pantao ang pagbabawal sa mga di-bakunado na lumabas ng bahay!

Paliwanag ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia mga Kabalitaktakan, kailangan ng batas para maging ligal ang naturang kautusan.

Bagamat nakasaad aniya sa “1987 Constitution” na maaaring ipagbawal ang “liberty of movement” kung nakasalalay dito ang “national security, public safety o public health”.

At dahil walang batas na nagsasabing krimen ang pagiging “unvaccinated”, sinabi ni de Guia na maaaring maituring na iligal at paglabag sa Saligang Batas at sa tinatawag na “guaranteed human rights” ang anumang pag-arestong isasagawa base sa naturang “grounds”.

Hinimok din ni de Guia ang gobyerno na magpatupad ng “human rights-based approach” mga Kabalitaktakan…kasabay ng paggigiit na dapat maturuan ang publiko sa importansya ng vaccines.

Bilang panghuli mga Kabalitaktakan…nilinaw ng tagapagsalita ng CHR na “human rights concern” ang pandemya…kaya’t dapat mapanatili ang respeto sa karapatang pantao ng anumang epektibong pagtugon na ipapatupad ng gobyerno.

Kung ako naman ang tatanungin mga Kabalitaktakan…dapat lang na maging “personal na responsibilidad” ng bawat mamamayan, bakunado man o hindi na matiyak na hindi na ito makakadagdag pa sa problemang dulot ng pandemya.

Paka-isipin dapat ng bawat isa ang kapakanan ng mas nakararami kesa sarili sa usapin ng Covid, lalu pa’t may pruweba na mabilis talagang makahawa ang Omicron variant.

Hanggang dito na lang muna mga Kabalitaktakan. Patuloy tayong manalangin na tuluyan nang matapos ang pandemya.

Staysafe at GOD Bless, yun oh🧔

Leave A Reply

Your email address will not be published.