Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagpapaliban ng barangay, SK election kinontra

0 157

Tutol si Quezon City Rep. Ralph Tulfo na ipagpaliban sa Mayo 2024 ang barangay at Sangguniang Kabataan election.

Sa halip ay sang-ayon ang solon na sa Mayo 2023 idaos ang eleksiyon mula sa orihinal na Disyembre 5 ngayong taon.

“Palagay ko po ay tamang timpla na ang May 8, 2023 bilang bagong petsa ng halalan para sa Barangay at SK – hindi masyadong malapit, hindi rin masyadong malayo,” ayon kay Tulfo.

Mahalaga aniya na ang mandato ng barangay at SK officials ay muling ma-renew upang masiguro na maipagtuloy ng mga local leader ang taglay na kapangyarihang mamahala habang hindi na rin dapat pahintulutan ang bad governance. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.