Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagpapalaki ng mga anak na babae na may kumpiya sa sa sarili

0 201

Isa sa pinakamasasayang bagay ang magpalaki ng mga anak na babae.

Hindi lang isa ang anak kong babae. Tatlo silang wonderful young ladies.

Kaya kung ikaw ay isang mama o papa na may anak na babae, naiintindihan ko yung takot din. Kahit kasi kabi-kabila ang empowering messages para sa mga kababaihan, marami pa ring banta at expectations ang lipunan sa kanila lalo na sa panahon ngayon.

Kaya ngayong Buwan ng Kababaihan, gusto kong ishare sa inyo yung mga natutunan ko kasama ang aking mga anak na babae, at kung paano ninyo rin maaaring matulungan ang inyong mga anak upang maabot ang ‘best version’ ng kanilang mga sarili.

1. Okay lang magkamali. Minsan, may tendency tayong maging perfectionist kaya ginagawa natin ang ilang bagay para sa mga anak natin. Kapag ganito, nawawalan sila ng oportunidad na matuto on their own. Dapat, hayaan natin silang madapa, at matuto kung paano bumangon ulit. O kaya naman, tulad sa nabasa ko, pwede natin itong simulan sa simpleng pagpiprito ng itlog. Hindi nila laging kasama ang mga magulang, kaya bata pa lang, hayaan natin silang pagdaaanan ang trial and error process.

2. Hikayatin at suportahan sila sa kanilang pangarap. As parents, madalas mas protective tayo sa mga anak nating babae. Pero hayaan natin silang mag-explore ng mga bagay na gusto nilang gawin. Sa pamamagitan nito, mas makikilala natin ang ating anak. Huwag natin silang ikahon at ipilit sa mga karaniwang tungkulin sa lipunan.

3. Bigyan siya ng ‘boses’. Kapag dumating na siya sa tamang edad, hayaan natin siyang pumili ng sarili nyang mga damit. Bigyan natin sila ng boses kung anu-anong activities sa school ang gusto niyang salihan at gawin. Kalaunan, pakinggan natin ang kanyang mga pananaw at makipag-usap sa kanya tungkol sa mga balita man o mga bagay na nauuso sa mga kabataan.

4. Ipakilala sila sa mga role model na makakatulong na mabuo ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Himukin silang i-follow o sundan ang mga babaeng kilala pagdating sa kanilang mga advocacy. Pwede ring bigyan sila ng mga babasahin o libro tungkol sa ‘girl power’ na makakatulong sa kanilang confidence.

5. Iparamdam sa kanya ang inyong pagmamahal nang walang kondisyon. Ito ang pinakamatibay na sandata nila sa pagharap sa anumang hamon ng buhay. At the end of the day, ikaw na mama niya ang siya niyang maaalala at tutularan.

Malaki ang papel nating mga magulang sa paghubog ng ating lipunan. Kaya sa tahanan pa lang simulan na nating magkaroon ng bukas na kaisipan para wala nang batang babae ang mabubuhay sa dilim, pressure o takot. Kapag ang bawat babae ay may kumpiyansa, lakas ng loob, at pagpapahalaga sa sarili, panatag akong maganda at maliwanag ang kinabukasan ng mga henerasyong susunod sa atin.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.