Una sa Balita

Pagpapadede ni Ellen sa baby, beautiful moment kay John Lloyd

By
0 2,123

Kahit na gustong maging private citizens nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hindi pa rin nila maiwasan ang mag-post ng mga nagi­ging daily activity nila sa social media.

Kelan lang ay may pinost si JLC na isang black and white photo ni Ellen na parang bagong gising at magpapa-breastfeed sa kanilang baby. Maraming naging reaction ang mga follower nila sa Instagram:

“Ang weird ni John Lloyd mag-picture. Parang hindi naman gusto magpa-picture ni Ellen.”

“Parang gumising si Ellen to nurse the baby, it must have been one touching and beautiful photo subject for JL.”
“She is wearing a nursing cover.”

Pero ang sobrang nakaka-touch ay ang paghawak ni JLC sa mga daliri ng kanyang baby na two months old na. Ipinanganak ni ­Ellen ang baby nila noong June 27, 2018.

“As everyone knows, nothing is sweeter than tiny baby fingers #ctto #happyjl #happyellen #nel #babylove #ellen #ellenadarna #mariaellenadarna #jlcellenadarna #jlcellen #jlellen #jl #johnlloyd #johnlloydcruz #ellenjohnlloyd #family #familyist #august2018 #baby #lilfingers #cute” caption pa ni JLC.